Tekstong Panghihikayat

Paksa: Sa kasalukuyang panahon ay laganap na ang dami ng indibidwal na nagkakaroon ng sakit ng HIV-AIDs. Dagdag pa rito, ang CALABARZON ang mayroong pinakamataas na porsyento ayon sa datos mula sa DOH. Isa sa mga dahilan kung bakit dumarami ang indibidwal na nagkakaroon ng sakit ay dahil sa kakulangan ng kamalayan ang tao sa lipunan.

 Tekstong Panghihikayat:
   
    Ang HIV ay isang impeksyon na nagmula sa sakit na AIDS. Ang isang taong may ganitong kalagayan ay dahan-dahang bababa ang immune system at madaling magkaroon ng iba't ibang sakit. Naisasalin ito sa pamamagitan nang pagpasok ng body liquid na seminal fluid at dugo sa mucuous membrane at sugat ng isang tao galing sa taong may impeksyon na ng AIDS. Marami ang mga nahahawa sa pamamagitan nang paggamit ng contaminated needles at pagtatalik na hindi gumagamit ng proteksyon o condom.

    Sinasabing pangalawa ang CALABARZON sa mga rehiyon na mayroon mataas na bilang ng HIV. Tinatayang nasa 12,321 na individwal ang may impeksyon. Ito ay batay sa aking nahalungkat na sunggunian.

    Upang maiwasan, ang bawat indibidwal ay nangangailangan ng palagiang pagpapatingin sa doctor. Maaaring kumunsulta sa mga health centers upang hindi gagastos ng malaki. At ang pinakanararapat gawin ay huwag makipagtalik kung kani-kanino. Isalba ang sarili mula sa ganitong uri ng sakit.

    Ang ganitong usapin ay sensitibo, ngunit ang bawat isa sa atin ay dapat mamulat sa mga gantong uri ng paksa, walang mali na magpatingin sa doctor, hindi nakakahiya kung ito naman ay para sa ikabubuti ng bawat isa at nang para na rin ay maagapan. Nawa ay maging bukas ang isipan ng bawat isa saatin dito sa mundo lalo na sa pinas sa ganitong usapin.

Sanggunian:
    DOH GIVES RECOGNITION TO CALABARZON LCEs IN SUPPORT TO HIV PROGRAM - https://ro4a.doh.gov.ph/2-transparency/750-doh-gives-recognition-to-calabarzon-lces-in-support-to-hiv-program

Comments

Popular posts from this blog

Coming of Age: My Pregnancy Journey during the peak of my dream