Prosidyural

 Prosidyural


Mga hakbang sa pagsagawa ng Beneseksyon (pagkuha ng dugo sa isang tao/patiente)

    Mga kagamitan:

            1. Syringe

            2. Alchohol

            3. Vacuum tubes

            4. Bulak

            5. Micropore tape

            6. Tourniquet

            7. PPE

           

    Prosidyur:

            1. Kilalanin ang patiente na kukuhaan ng dugo, itanong ang pangalan, kaarawan, at edad at isa sa         importante malaman ay kung mayroon alergy sa mga bagay ang patiente.

            2. Matapos kilalanin ang patiente, iprepara ang mga kagamitan na kakailanganin sa pagkuha ng         dugo.

             3. Ilagay ang tourniquet sa braso ng patiente at simulan ang paglolokate ng ugat nito.

           4. Kapag nahanap na ang nais na kuhaang ugat, tanggalin ang tourniquet pansamalantala at iprepara       na ang pangkuha ng dugo.

            5. Ibalik ang tourniquet, linisin ang lokasyon ng pag kukuhaan gamit ang alchohol.

            6. Sabihin sa patiente na "Hingang malalim", itusok ang syringe sa ugat ng naka bevel up.

            7. Kapag mayroon ng tinatawag na back flow hilahin ang plunger ng syringe.

            8. Matapos mapuno ang syringe, tanggalin at takpan ng bulak ang site na pinagkuhaan ng dugo.

            9. Matapos ang pagkuha ng dugo, mag pasalamat sa patiente. 



  


Comments

Popular posts from this blog

Coming of Age: My Pregnancy Journey during the peak of my dream