Impormatibong Sanaysay

Kwento ni Mabuti 

Tauhan

    1. Mabuti - Ang guro na tinawag na mabuti, hindi niya tunay na pangalan.

    2. Fe - Ang mag aaral na nakita ni Mabuti sa isang sulok ng silid-aralan.

Tagpuan

    - Tagong sulok ng silid-aralan 

Saglit na kasiglahan 

    - Dumating ang isang araw na si gurong mabuti ay nadatnan ang kanyang mag aaral sa sulok ng silid aralan na kumpirmadong may dala dala na problema at hinanakit. Ganun din ang guro na naglabas ng hinanakit sa kanyang mag aaral kaya napag-kwentuhan nila ang mga problema ng bawat isa. Napag tanto naman ng mag aaral na ang kanyang nasabing guro ay may dala dala din na problema kahit hindi ito halata sa kanyang kilos or pag-uugali na pinapakita niya sa mag aaral, na parang tila na walang suliranin sa kanyang buhay. 

Suliranin

    - Ang problema ni mabuti ay ang kanyang tinatagong sikreto tungkol sa kanyang asawa. 

Tunggalian

    - Tao laban sa sarili

    - Tao laban sa lipunan

Kasukdulan 

    - Noong nagsalita ang kamagaral ni Fe tungkol sa ama ng batang anak ni Mabuti Isang araw, nagkwento si mabuti sa kanyang anak patungkol sa pag aaral ng kanyang anak, sa kadahilanan nasambit niya na nais niyang maging isang manggagamot ang kanyang anak. 

Kakalasan 

    - "Oo gaya ng kanyang ama” tila nainis at nabugnot si mabuti na hindi maintindihan ang pinta ng kanyang mukha, subalit sa sitwasyon na kanyang narinig nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit lang ito. 

Wakas 

    - Nalaman ni Fe kung ano yung iniiyak ni Mabuti at naunawaan naman ng lahat kung ano ang binabatid ni mabuti upang mapagaan ang damdamin nito. 

    - Naging malungkot ang wakas ni mabuti sa pagkat ang kanyang nabalitaan ng mag aaral ay yung pumanaw ang isang manggagamot ang asawa ni Mabuti at ang ama ng batang na balang araw ay magiging kagaya niya ng kanyang ama, ngunit ang hindi niya alam na ang kanyang ama ay isang babaero na hindi pinaalam sa mga tao upang hindi mapahiya ang kanyang asawa kaya tila hanggang huli ito ay tahimik na itinago lamang. 

Buod 

    - Isang kwento kung saan si mabuti ay tinatawag na mabuti ng kanyang mga studyante sapagkat ang kanyang mga salita ay may laman na kabutihan. Isang umaga ay umiiyak si Fe sa tagong sulok ng silid-aralan, hanggang sa di inaasahan pumunta rin si Mabuti sa tagong sulok ng silid-aklatan upang umiyak rin. Pagtapos ng gabing iyon sabay sila umalis ng paaralan, napaisip si Fe tungkol sa problema ni Mabuti, at nalaman niya ito noong isang araw nag kwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak na may kaarawan na pangarap niya ditong maging Doktor ito, at doon nag salita ang kamagaral ni Fe na maging kagaya ito ng ama ng bata.


Comments

Popular posts from this blog

Coming of Age: My Pregnancy Journey during the peak of my dream